Para matapos na ang isyu sa Parkinson’s disease Arum ipapatingin si Pacquiao sa Lou Ruvo Brain center
MANILA, Philippines - Gusto nang matapos ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmotions ang isyu kaÂugnay sa sinasabing pagÂkakaroon ni Filipino world eight-division champion ManÂny Pacquiao ng sintoÂmas ng Parkinson’s diÂsease.
Kaya naman irerekomenda niya sa 34-anyos na Sarangani Congressman na magpatingin sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic.
Ang naturang klinika ay may mga imahe na ng mga professional boxers at miÂxed martial artists, ayon sa panayam ng The Ring kay Arum kahapon.
“They’re the best in the world. My wife is on the board of directors, and I think that for those of us who realize that boÂxing is just a way-stop for ManÂny Pacquiao’s life and caÂreer, that it pays to be over-cautious,†ani Arum sa Lou Ruvo Center for Brain Health.
Sa isang panayam ng DZMM kina Dr. Rustico Jimenez at forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, sinabi nilang may nakikita silang sintomas ng Parkinson’s diÂsease kay Pacquiao base sa kanilang obserbasyon sa mga panayam kay ‘Pacman’ sa telebisyon.
Mariin naman itong piÂnabulaanan nina Dr. RegiÂna Bagsic, ang personal phyÂsician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na daÂting namuno sa Movement Disorder Center ng St. Luke Medical Center.
Ayon kina Bagsic at JaÂmora, walang anumang sinÂtomas ng Parkinson’s diÂsease ang Sarangani Congressman.
Apat na araw matapos ang kanyang sixth-round KO loss kay Juan Manuel MarÂquez noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada ay agad suÂmailalim si Pacquiao sa MRI sa Cardinal Santos MeÂdical Center sa Maynila kung saan siya napatunaÂyang negatibo sa anumang head injuries.
Ang maaari namang labanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) ngayong taon ay sina Marquez (54-6-0, 39 KOs) at world lightweight king Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs).
- Latest