Thunder hindi nagkumpiyansa sa Wolves
OKLAHOMA CITY , Philippines -- Nagposte si KeÂvin Durant ng 26 points, habang may 23 si Russell Westbrook para banderahan ang 106-84 panalo ng Thunder kontra sa Minnesota Timberwolves, naglaro na wala si All-Star forward Kevin Love at apat pang injured players.
Natalo ang Oklahoma City sa kanilang huling laro mula sa isang buzzer-beater ng Washington Wizards na wala ang top three players.
Binanggit naman ito ni Thunder head coach Scott Brooks bago ang kanilang shootÂaround at nagsabing pareho ng sitÂwasyon ang Minnesota at Washington at hinÂdi sila dapat magkumpiyansa.
Itinala ng Thunder ang isang 24-point lead laban sa Timberwolves sa second half bago ipahinga sina Durant, Westbrook at iba pang starters sa 5:44 sa fourth quarter.
Nag-ambag si Kevin Martin ng 19 points mula sa bench para sa Oklahoma CiÂty, naglista ng 12-game winning streak na winakasan ng Minnesota, 99-93 win, noÂong Disyembre.
Tumipa si Alexey Shved ng 18 points paÂÂra sa Minnesota, habang hindi naglaro siÂÂna guard J.J. Barea, Chase Budinger, BranÂdon Roy at Malcolm Lee.
Nagdagdag si Nikola Pekovic ng 17 points at 10 rebounds para sa Minnesota.
- Latest