^

PSN Palaro

Programa ni Vice Mayor Joy suportado ng Philips

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Brgy, Matandang Ba­lara sa Quezon City ga­gawin ang kauna-una­hang Philips Electronics and Lighting, Inc. (PELI) Sim­ple Healthy campaign.

Kinilala ni Philips Country Manager Fabia Tetteroo-Bu­eno ang magandang prog­rama ng Quezon C­ity sa pangunguna ni Vice-Mayor Josefina ‘Joy’ Bel­monte hinggil sa kalusu­gan.

“The Simply Healthy pro­gram targets health and wellness, two topics that we at Philips put great importance on. And we are very happy to start the program in Quezon City where Vice Mayor Joy Belmonte did a lot of good work in civic and health programs,” wika ni Tetteroo-Bueno sa isinaga­wang press conference ka­hapon sa Sulu Hotel sa Que­zon City.

Ang Simple Healthy cam­paign ay naglala­yong tu­ruan ang pamilya sa isang barangay ng tamang ga­wain para maprotekta­han ang kanilang kalusu­gan.

Tuwing Sabado at sa lo­ob ng apat na oras gagawin ang mga aktibidades para sa tamang eher­sis­yo, tamang pagkain at tamang pangangalaga ng ka­likasan gamit ang mga light bulbs.

Isasabay din dito ang fe­eding program dahil layu­nin din ng proyekto ang la­banan ang malnutrisyon na isa sa nais na wakasan ni Belmonte.

“Pinasasalamatan namin ang Philips sa pagtukoy sa Quezon City upang si­yang unang pagdausan ng proyektong ito. Napili na­min ang Brgy. Matandang Balara sa Quezon Ci­ty para dito gawin ang unang yugto dahil ang barangay na ito ang pinakama­unlad at naniniwala kaming mala­ki ang maitutulong nito sa ikatatagumpay ng programa,” wika ni Belmonte.

Bukod sa QC, nakikiisa rin sa programa ang I Can Serve at ang World Wild Life Fund.

vuukle comment

ANG SIMPLE HEALTHY

BELMONTE

I CAN SERVE

MATANDANG BA

MATANDANG BALARA

PHILIPS COUNTRY MANAGER FABIA TETTEROO-BU

PHILIPS ELECTRONICS AND LIGHTING

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with