^

PSN Palaro

Caligdong ng Phl Azkals napabilang sa 2012 TOYM awardees

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahirang si Philippine Azkals’ winger Emelio ‘Chieffy’ Caligdong bilang miyembro ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) ng 2012.

Si Caligdong, bumandera sa kampanya ng Azkals sa semifinal round ng 2012 AFF Suzuki Cup noong Dis­yembre, ay isa sa pitong awardees na pinuri kahapon ni President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa awarding ce­re­monies sa Malacañang.

Bukod sa kanyang husay sa football, pinahalagahan din ang pagtuturo ni Caligdong ng football sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagdaraos ng ilang football clinics sa kanyang probinsya sa Pototan, Iloilo.

Si Caligdong ang umiskor sa 1-0 panalo ng Azkals kontra sa Vietnam sa group stage ng 2012 Suzuki Cup.    

Nauna nang nahirang ang 30-anyos na si Caligdong bilang ‘sports ambassador’ ng Globe Telecom noong Hulyo ng nakaraang taon.

Bilang ‘sports ambassador’, tutulong si Caligdong sa grassroots development program ng Green Archers United FC, isang koponan sa United Football League.

Tatayo din siyang head coach ng football club.

Ang iba pang awardees ay sina rapper Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas, Congresswoman Emmeline Aglipay, ve­terinarian Dr. Waren Baticados, therapist Abelardo Apol­lo David, Jr., blogger Ivan Henares at broadcaster Jiggy Ma­­nicad ng GMA 7.

ABELARDO APOL

AZKALS

BLACK EYED PEAS

CALIGDONG

CONGRESSWOMAN EMMELINE AGLIPAY

DR. WAREN BATICADOS

GLOBE TELECOM

GREEN ARCHERS UNITED

SI CALIGDONG

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with