Manny Pacquiao sinagot ang isyu sa pagkakaroon niya ng Parkinson’s disease
MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lamang ni Filipino world eight-division champion ManÂny Pacquiao ang mga koÂmentaryo ng dalawang FiÂlipino Doctor kaugnay sa pagkakaroon niya ng sinÂtomas ng Parkinson’s diÂsease.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa kahapon mula sa pagbabakasyon sa Israel kasama ang kanyang paÂmilya, sinabi ni Pacquiao na iginagalang niya ang koÂmento nina neurologist Dr. Rustico Jimenez at foÂrensic pathologist Dr. RaÂquel Fortun.
“Comment na lang ‘yun. Lahat naman may kaÂrapatang mag-comment,†ani Pacquiao sa pahayag niÂna Jimenez at Fortun na may sintomas siya ng ParÂkinson’s disease base sa kanilang napanood na paÂnayam sa Sarangani Congressman sa telebisÂyon.
“Bad or good, talagang gaÂnoon. May mga tao na gusÂto lang sumikat, maÂkiÂlala. I’ll pray for them,†dagÂÂdag pa nito.
Noong nakaraang taon, dalawang beses nakatikim ng pagkatalo ang 34-anyos na si Pacquiao.
Ito ay kina Timothy BradÂley, Jr. (split decision) noÂong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez (sixth-round KO) noong DisÂyembre 8.
Ayon kay Pacquiao, sa tuwing matatapos ang kanyang laban ay kaagad siyang dumidiretso sa ospital.
“Siyempre ako sa sarili ko, after ng fight, sa hospital, tapos pagdating ko dito sa Pilipinas, make sure na nagpa-MRI ako, lahat, nagÂpa-checkup ako, so okay naÂman ang resulta,†sabi ni ‘Pacman’.
Kabilang sa mga pamosong nagkaroon ng Parkinson’s disease ay sina world boxing great Muhammad Ali at five-time Trainer of the Year awardee Freddie Roach, ang chief trainer ni PacÂquiao.
Para sa taong ito ay waÂla pang tiyak na makakaharap ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs).
Ang dalawa sa mga poÂsibleng makatapat ni PacÂquiao ay sina world lightÂweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs) at ang 39-anyos na si Marquez (54-6-0, 39 KOs).
Bago ito isipin, sinabi ni Pacquiao na aasikasuhin muna niya ang mga trabaho niya sa Kongreso bukod pa sa kanilang kandidatura ng asawang si JInkee.
- Latest