^

PSN Palaro

Taulava gusto pang magsilbi sa Team Phl

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas pa rin si Paul Asi Taulava sa posibilidad na mu­ling matulungan ang Na­tional Team.

Ang 39-anyos na nag­lalaro ngayon para sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League (ABL) ay handang ibigay ang kanyang serbisyo ma­tapos kumpletuhin ang pi­nirmahang kontrata sa Beermen.

“Right now, my focus is to help the Beermen to win the ABL title. The league will run for six months, and after the league and if somebody knocks on my door, I am wil­ling to help the national team,” wika ng 6-foot-9  Fil-Tongan.

Mula 2002 ay isinuot na ni Taulava ang pambansang uniporme at napabi­lang din siya sa Pamban­sang koponan noong 2005, 2007, 2008, 2010 at 2011 sa pangunguna ng mga coaches na sina Chot Reyes, Yeng Guiao at Rajko Toroman.

Ang alok na serbisyo ni Taulava ay magandang ba­lita dahil problemado nga­yon ang Gilas II na hawak ni Reyes na makakuha ng mahuhusay na manlalaro dahil kasabay ng pagsasa­nay ng koponan ay ang laro sa PBA.

Pinakamalaking torneo na pinaghahandaan ng ban­sa ay ang FIBA-Asia Men’s Championship sa Hulyo na naunang ibinigay sa Lebanon pero may po­sibilidad na mailipat sa Pi­lipinas.

 Ang torneong ito ay qua­lifying event at ang ma­ngungunang tatlong bansa ang kakatawan sa Asya sa FIBA World Championship sa Spain mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14, 2014.

Dahil sa problema sa iskedul at ang di pagpapahiram ng ibang PBA teams na namamahinga na sa PBA Philippine Cup, ang Gilas II ay bumuo ng ko­ponang inaaniban ng tatlong PBA players, siyam na amateurs at ni naturalized player Marcus Douthit para lu­mahok sa Dubai Cup na idaraos sa Enero 10.

Ang malawak na karanasan ang siyang nakikita ni Taulava na kanyang ma­ibibigay lalo’t hindi naman siya kailangang ibabad ka­tulad ng dati.

vuukle comment

ASIA MEN

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHOT REYES

DUBAI CUP

MARCUS DOUTHIT

PAUL ASI TAULAVA

SHY

TAULAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with