‘The Filipino Flash’ wala pang tiyak na makakalaban sa Marso
MANILA, Philippines - Masasalang muna sa maÂdaling laban si Nonito ‘The Filipino Flash’ DoÂnaire, Jr. sa kanyang unang sampa ng ring sa 2013.
Si Donaire, naipanaÂlo ang apat na laban na hiÂnarap noong 2012 na nagÂresulta sa pagreretiro nina Toshiaki Nishioka ng Japan at Jorge Arce ng Mexico, ay balak ibalik sa boxing ring ng Top Rank sa Marso o Abril.
Pero masyado itong maÂaga para maikasa ang maÂlaking laban kontra sa may pangalang tulad nina AbÂner Mares ng Mexico at Guillermo Rigondeaux.
Si Mares na mayroong 25 panalo at isang tabla ay huling lumaban kontra kay Anselmo Moreno ng PaÂnama noong Nobyembre at nanalo siya sa pamamaÂgitan ng unanimous decision upang manatiling haÂwak ang WBC super banÂtamweight title.
Sinasabing sa Pebrero baÂlak isalang si Mares kaya’t malabong mangyaÂri kaagad ang pinakasasaÂbiÂkang tagisan nila ni DoÂnaire.
Si Rigondeax ay hari sa WBA pero huli siyang luÂmaban noong Setyembre at tinalo niya si Robert Marroquin ng US sa isang unanimous decision.
Inihayag ni Donaire na nais niyang maipagpatuloy ang naipakita noong naÂkaraang taon pero hindi maÂmadaliin ang malalaÂking laban at hihintayin ang plano ng kanyang promoter bago magsagawa ng desisyon.
Sina Wilfredo Vazquez ng Puerto Rico at Jeff MutheÂbula ng South Africa ang dalawang naunang tiÂÂnalo ni Donaire noong 20Â12.
- Latest
- Trending