^

PSN Palaro

UST wagi sa UE sa volley; Adamson malinis pa rin sa softball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapat ang lakas ng UST upang maigupo ang de­ter­minadong laro ng UE sa pagbabalik-aksyon ng UAAP women’s  volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi naglaro si Maru Banaticla pero naroroon sina Mika Ortiz at Judy Caballejo upang makuha ang dikitang 26-24, 25-21, 25-23, panalo sa Lady Warriors.

May 16 puntos kasama ang 4 blocks ni Ortiz habang 10 puntos ang ginawa ni Caballejo at ang Lady Tigresses ay umangat sa 3-2 karta para manatiling matibay ang pagkakakapit sa mahalagang ikaapat na puwesto.

Nalaglag naman ang UE sa kanilang ikalimang sunod na pagkatalo pero nakuha nila ang respeto ng UST matapos nilang pa­hi­rapan ito.

Samantala, nasungkit naman ng Adamson ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa softball sa pa­mamagitan ng 8-1 panalo laban sa University of the Philippines kahapon sa Rizal Memorial field.

Kumawala ng tig-apat na runs ang Lady Falcons sa bottom fourth at fifth inning  at maisantabi ang unang run na  kinuha ng Lady Maroons sa third inning na hatid ni Lily Marie Gonzales.

Hanap ng Adamson ang ikatlong sunod na titulo at ika-12 sa pangkalahatan sakaling manalo pa sa taong ito.

Dinurog ng UST ang La Salle, 11-2, upang manatili sa ikalawang puwesto sa 4-1 habang ang UE ay nanalo sa baguhan at host National University, 7-3.

 

ADAMSON

JUDY CABALLEJO

LA SALLE

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LADY TIGRESSES

LADY WARRIORS

LILY MARIE GONZALES

MARU BANATICLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with