UAAP women’s volleyball: 3rd win sasakmalin ng UST Belles vs UE Tossers
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. AdU vs UP (M)
9:30 a.m. ADMU vs DLSU (M)
2 p.m. UE vs UST (W)
3:30 p.m. NU vs FEU (W)
MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng UST ang pagkakakapit sa ikaapat na puwesto sa pagbabalik-aksyon ng UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Kalaban ng Lady TigÂresses ang UE sa ganap na alas-2 ng hapon at balak ng UST na kunin ang ikatlong panalo matapos ang limang laro sa liga.
Galing ang UST sa 25-18, 25-11, 25-14, panalo sa UP noong Disyembre 15 ang mahigit na dalawang linggong pahinga ay tiyak na makakatulong para manumbalik ang dating matikas na porma.
Si Maru Banaticla na tuÂmapos bitbit ang season high na 13 hits ang maÂngunguna sa Lady TigresÂses habang ang suporta ay magmumula kina Judy Caballejo at Maika Ortiz.
Ang host NU ay masusukat sa FEU sa ikalawang laro sa alas-3:30 at maitabla sa 3-3 ang hanap ng Lady Bulldogs.
Galing ang koponan mula sa dalawang dikit na pagkatalo upang magkaÂroon lamang ng 2-3 baraha.
Mahalaga ang makukuÂhang panalo dahil ang Lady Tams ay may 1-3 karta at aangat sila sa NU kung masilat ang katunggali.
Ang 6’1 spiker Dindin Santiago ang pangunahing sandata ng NU pero mapapadali ang asam na panalo kung gagana rin sina Myla Pablo, Cai Nepomuceno at libero Jen Reyes.
Bago ang women’s matches ay mapapanood muna ang tagisan sa men’s division at unang magsusukatan ang Adamson at UP sa alas-8 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Ateneo at La Salle.
- Latest