^

PSN Palaro

BSCP magmamatigas sa pagiging NSA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Igigiit ng Billliards Snoo­ker Congress of the Philippines ang pagiging NSA sa bilyar.

Ito ang sinabi ni BSCP president Arturo Ilagan na naunang nagpasabi sa PSC na idi-disband ang  kasalukuyang national pool at papalitan ng mga bagong mukha.

Ayon kay Ilagan, hindi na nila pahihintulutan ang pakikialam ng ibang kampo lalo na sa usapin sa pagbuo ng Pambansang koponan sa bilyar.

“Kami lamang ang NSA sa billiards at kailangan na ang lahat ay tumalima sa aming ilalatag na progra­ma. Hindi na namin hahayaan na may ibang grupo na manghihimasok sa pagpapatakbo ng bilyar at  iba pang events sa pool,” wika  ni Ilagan.

Inamin ni Ilagan na dati ay hindi sila umalma nang si billiards godfather Aristeo Puyat ang siyang kinokon­sulta kung pagbuo  ng billiards team ng PSC.

Si Ilagan ang siyang kinikilalang NSA ng POC pero si Puyat ay binigyan ng papel  noong nakaraang taon  dahil nasa kanya ang mga mahuhusay na manlalaro.

Pero nagkaroon ng ngipin ang BSCP matapos magpalabas ang PSC ng programa sa priority athletes na kung saan ang NSA ang siyang makakatuwang ng komisyon sa pagmo-mo­nitor ng national at athletes.

Sina Dennis Orcollo at Iris Ranola na nanalo ng pinagsamang tatlong ginto noong Indonesia SEA Games ay lumagda sa  priority athletes pero hindi naaaksiyunan dahil hindi ito iniendorso ng BSCP.

Hindi ipagkakait ni Ilagan kina Orcollo at Ranola ang estado na magiging kasapi sa priority list pero gagawin lamang nila ito kung titiyakin  ng mga manlalarong ito na susunod sila sa progra­mang ilalatag ng BSCP. 

 

ARISTEO PUYAT

ARTURO ILAGAN

BILLLIARDS SNOO

CONGRESS OF THE PHILIPPINES

ILAGAN

IRIS RANOLA

SI ILAGAN

SINA DENNIS ORCOLLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with