^

PSN Palaro

Santiago nagparamdam agad sa Andrada Cup netfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakita ng katatagan sa second set si Frances Angela Santiago upang ma­sama sa mga nanalo sa unang laro sa pagbubukas kahapon ng 24th Andrada Cup tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Cen­ter kahapon.

Napalaban si Santiago kay Samantha Um sa ikala­wang set pero  sapat ang naipakitang husay sa tie-break upang angkinin ang 6-3, 7-6(2) panalo sa girls 16-under division.

Wala namang hirap na narating nina Chloe Mae Saraza at Monica Therese Cruz ang second round matapos ang walkover wins laban kina Ysay Jardelesa at Kathrine Manuela.

Sunod na kalaban ni San­tiago si  fifth seed Khim Iglupas na nag-bye sa first round kasama ang iba pang seeded players na sina number one Roxanne Resma, second seed Maia Balce, third seed Nicole Amkstad at fourth seed Isabelle Orteza.

Sina Saraza at Cruz ay masasalang sa unang opis­yal na laro laban kina sixth seed Ma. Dominique Ong at Resma bukas.

Nanguna naman si Jo­seph Michael Abellano­sa sa mga nanalo sa kalalakihan sa torneong inorganisa ng Philippine Tennis Association (Philta) para sa dating pangulo na ngayon ay PSC commissioner Sal­vador Andrada.

Si Abellanosa ay nanalo sa straight sets laban kay Ivan Lazaro,6-4, 6-3, sa boys 18-under.

Nanalo si Vincent Alanis kay Edward Choy, 6-3, 6-1, habang si Jose Nicholas Cano ay umukit ng 7-6(4), 6-1, panalo sa isang linggong palaro na may basbas din ng Dunlop Fort All Court Balls, PSC, First Solid Group, St. Luke’s Medical Center at Sagip Bayan Foundation.

ANDRADA CUP

CHLOE MAE SARAZA

DOMINIQUE ONG

DUNLOP FORT ALL COURT BALLS

EDWARD CHOY

FIRST SOLID GROUP

FRANCES ANGELA SANTIAGO

ISABELLE ORTEZA

IVAN LAZARO

JOSE NICHOLAS CANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with