^

PSN Palaro

ABAP kay Bornea aasa ng unang ginto sa Olympics

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang paghablot ng bron­ze medal ni Jade Bornea sa AIBA World Youth Bo­xing Championships sa Ar­menia ang nagbibigay li­wanag na inaasahang sa boxing magmumula ang ka­una-unahang gintong medalya ng bansa sa Olym­pics.

Hindi ganoong makinang ang 2012 sa Amateur Boxing Association of the Philippines nang walang iba pang boksingero ng bansa ang nakausad sa London Olympics.

Si Charly Suarez ang na­muro na maging ikalawang boksingero ng bansa sa London nang pumasok sa finals sa lightweight di­vision sa Asian Olympic Qualifying tournament sa Astana, Kazakhstan.  Pero sadyang mapait ang tadhana kay Suarez nang lumasap ng kontrobersyal na 11-15 pagyukod kay Liu Qiang.

Bago ang men’s team ay ang kababaihan muna ang nagtangka pero si Nesthy Petecio na siyang ibinala ay natalo din agad.

Isinalba lamang ni Josie Gabuco ang sana’y ba­ngungot na laban sa World Women Boxing Championship sa Qinhuangdao, China nang kanyang pagkapanalo sa light flyweight division laban sa Chinese pug Xu Shiqui.

Makasaysayan ito dahil ito pa lamang ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa isang World Championship, kasama na ang sa kalalakihan.

Kahit sa London Ga­mes ay hindi rin naging ma­ganda  ang resulta dahil lumabas ang kakulangan sa karanasan ni Mark Anthony Barriga para sumuko sa kanyang ikalawang laban kontra kay Birzhan Zhakypov ng Kazakstan sa dikitang 16-17 iskor.

Pero hindi lahat ay hinagpis sa men’s team dahil kay Bornea na isinabak sa kanyang kauna-unahang international tournament.

Bagama’t world event, hindi kinilabutan bagkus ay tila dagdag hamon ito kay Bornea upang ipakita ang husay sa paglaban.

Umabante siya sa quarterfinals at tinalo si Jake Ba­teson ng England para sa bronze medal. Natapos lamang ang laban nang matalo siya sa mas beteranong si Murudjon Akhmadaliev ng Uzbekistan sa semifinals, 15-24.

Iba ang kulay ng bronze sa ginto pero ang medal­yang ito ni Bornea ay patu­nay na marami pang bata pero mahuhusay na handang ilabas ng ABAP sa hinaharap.

Sa pamamagitan nina Barriga at Bornea na siya  ngayong mukha ng boksing, makakaasa ang lahat na ang ABAP ay patuloy na kikilos upang ibigay sa mga batang boksingero ang pag-aaruga upang maabot ang mithing tagumpay sa su­sunod na Olympics.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING

BIRZHAN ZHAKYPOV

BORNEA

JADE BORNEA

JAKE BA

JOSIE GABUCO

LIU QIANG

LONDON GA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with