^

PSN Palaro

Davis Cup team kumpiyansa vs Syria

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masasabing ang Syria lamang ang madaling asignatura ng Pilipinas sa gagawing laban sa Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup sa 2013.

Ang Pilipinas ang siyang tatayong host sa first round na itinakda mula Pebrero 1 hanggang 3. Sa magarbong Plantation Bay sa Cebu gagawin uli ang Davis Cup at pinapaboran ang nationals na makakaalpas sa hamon ng dayuhang bansa.

Galing sa Group III ang Syria at unang beses nilang makakasukatan ang Pilipinas na di hamak na mas beterano kung kalidad ng mga  katunggali ang pag-uusapan.

Matapos ito ay dadaan na sa butas ng karayom ang paghahabol para mabalik sa Group I sa 2014.

Malaki ang posibilidad na ang Thailand ang sunod na makaharap ng Ph Cuppers dahil unang kasukatan  nila ay ang Kuwait.

Ang second round tie ay gagawin sa Abril 5  hanggang  7 at ang mananalong bansa ay aabante sa finals na itinakda mula Setyembrre 13 hanggang 15.

Kung suwertehin pa ang Pilipinas, maaaring ang malakas na New Zealand ang kanilang makatapat sa   huling  laban para sa puwesto sa Group 1.

Unang laro ng New  Zealand ay ang Lebanon na gagawin sa kanilang lugar.

Ang sunod na laro ng mananalong koponan ay ang magwawagi sa pagitan ng Pakistan at Sri Lanka.

Sa ngayon ay  hindi pa alam kung sino ang bubuo sa national team pero hindi malayong sina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales ang magmamando sa koponan.

Sa unang linggo ng  Ene­ro ay inaasahang mag­pu­pulong ang pamunuan ng Philippine Tennis Association (Philta)  upang agad na malaman ang mga dapat gawin nang sa ga­yun ay makalaro muli ang Pilipinas sa Group 1.

ANG PILIPINAS

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AMS TREAT HUEY

GROUP I

NEW ZEALAND

PH CUPPERS

PHILIPPINE TENNIS ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with