Lady Altas dumiretso sa 5-dikit na panalo
MANILA, Philippines - Tinapos ng nagdedepensang University of Perpetual Help System Dalta ang taong 2012 sa pamamagitan ng 25-12, 25-21, 25-19, panalo sa Letran upang manatiling gumugulong ang kanilang winning streak sa 88th NCAA women’s basketball.
Sa kabuuan, ang Lady Altas ay may 5-0 baraha sa season upang umangat na sa19 ang pagpapanalong naitalang koponan. Hindi natalo ang women’s team ng Perpetual Help noong nakaraang season.
Masasabing wala pang nakakasukat sa tunay na lakas ng Lady Altas dahil tanging ang San Sebastian lamang ang umabot sa five sets bago yumukod, 19-25, 25-22, 15-25, 25-20, 19-25.
Si Sandra delos Santos ang lider ng koponan ni coach Jason Sapin at Sandy Rieta habang sina April Sartin at Jane Diaz ang nagbibigay ng suporta.
Napantayan ng Altas ang magandang pagtatapos ng Lady Altas nang manalo rin sa huling asignatura sa 2012 laban sa Letran, 22-25, 25-23, 19-25, 26-24, 15-11.
Triple-celebration ang nangyari sa Perpetual Help dahil ang kanilang junior team ay nagdomina rin sa Letran Squires sa 25-14. 25-20, 25-19, straight sets panalo.
Si Eldroge Capal ang lider ng Junior Altas nang kumuha ng 15 puntos mula sa walong spikes at apat na blocks.
Sa ngayon ang Junior Altas ay may 2-1 panalo-talo para sa ikatlong puwesto.
- Latest