^

PSN Palaro

UE fencers tinusok ang ika-8 dikit na korona sa UAAP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabas uli ang galing ng UE sa fencing nang dominahin ang lahat ng events na pinaglabanan sa UAAP Season 75.

Napanatili ng UE ang kampeonato sa kababaihan sa ikapitong sunod na taon habang tinapos ng Warriors ang tatlong taon na walang kampeonato ang kalalakihan.

Ito ang ikawalong titulo  ng UE sa kalalakihan sa kabuuan.

Ang junior warriors ay nagkampeon pa sa ikatlong sunod na titulo habang ang girls ay nanalo sa ikalawang sunod na taon.

Sa kabuuan, ang UE ay mayroon ng 20 fencing championships sa 13 taon sa liga.

Si Nathaniel Perez ang lumabas bilang Most Valuable Player (MVP) at Rookie of the Year sa kanyang apat na ginto sa individual epee at foil at team foil at epee.

Si Justine Gail D. Tinio ang MVP at ROY sa  ka­ba­baihan sa tatlong ginto sa individual foil at team epee at foil; si Francois Nowell Licono na MVP sa boys division sa gold medal sa individual foil at team epee at foil;  Samuel  L. Tranquilan, ROY sa gold sa team foil; Divine P.  Romero,  MVP sa limang ginto sa individual foil at epee at team epee, foil at sabre at Mickyle Rein Bustos, ROY at gold sa team epee at bronze sa  individual epee.

DIVINE P

EPEE

FOIL

FRANCOIS NOWELL LICONO

MICKYLE REIN BUSTOS

MOST VALUABLE PLAYER

ROOKIE OF THE YEAR

SI JUSTINE GAIL D

SI NATHANIEL PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with