^

PSN Palaro

Donaire ESPN fighter of the year

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala ng nirerestepong ESPN si Nonito Do­naire Jr. bilang kanilang Boxer of the Year matapos ng kahanga-hangang apat na naipanalong laban sa taong 2012.

Sa panulat ng nireres-petong si Dan Rafael, s­i-nabi niyang hindi naging mahirap sa ESPN ang pagpili kay Donaire dahil bukod-tangi siya na nanalo sa apat na hinarap na laban at lahat ng humarap ay pa­re-parehong humalik ng lona.

“Donaire at 30, easily handled the move up in weight, winning all four fights in dominant fa­shion. He dropped each of his trailblazing approach to drug testing. He is the only fighter in the world who has signed on with the vo­luntary Anti-Doping Asso­ciation for random urine and blood testing 24 hours a day, seven days a week, 365 days in a year. This is an era when every great per­formance unfortunate comes under the suspicion of possible performance-en­hancing drug use, except, of course, Donaire,” wi­ka ni Rafael.

Sa taong ito nagsisyon si Donaire na umakyat ng super bantamweight at apat ang kanyang hinarap na sina Wilfredo Vasquez, Jeff Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.

Lahat ng apat na ito at tumumba sa kamao ni Donaire ngunit kina Ni-shioka at Arce tuluyang lumabas ang bangis ng kamao ng tinaguriang Filipino Flash nang manalo siya sa pamamagitan ng 9th round at 3rd round knockout pagkatalo.

Dahil sa pangyayari, sina Nishioka at Arce ay parehong nagretire na.

Si Donaire ang lalabas bilang kauna-unahang Filipino boxer na kinilala ng ESPN bilang kanilang Boxer of the Year sa huling tatlong taon.

Noong 2008 at 2009 huling kinilala ang husay ng ESPN ang husay ng isang Pilipino boxer nang igawad kay Manny Pacquiao ang nasabing prestihiyosong parangal.

Sina Sergio Martinez at si Andre Ward ang tumanggap ng ganitong parangal sa huling dalawang tao.

Tinalo ni Donaire sa parangal si Juan Manuel Marquez matapos ang di inaasahang sixth round knockout panalo laban kay Pacquiao noong Dis-yembre 8 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

ANDRE WARD

ANTI-DOPING ASSO

BOXER OF THE YEAR

DAN RAFAEL

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GRAND ARENA

JEFF MATHEBULA

JORGE ARCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with