^

PSN Palaro

Kasado na ang lahat para sa Stags Run 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa gaganaping Takbo Para sa Bokasyon na itataguyod ng San Sebastian College-Recoletos sa Ene­ro 13 sa ASEANA City na malapit sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ito ang ikatlong  sunod na taon na gagawin ang pa­takbo na ang layunin nga­yon ay makalikom ng pondo para igugol sa mga proyekto ng Order of Augus­tinian Recollects.

“This is the third time we’re holding an event like this and like last year, we hope to get some funds to bankroll our educational apostolate not just in Siera Leone in Africa but also in Palawan,” wika ni San Sebatian president Fr. Anthony Morillo, OAR.

Naniniwala ang organizer na mas marami ang susuporta sa edisyon ito dahil layunin din nila ang makatulong sa pagpapaganda ng kalusugan gamit ang pagtakbo.

Halagang P500 ang registration fee at nakikita ni  Fr. Morillo na lalampasan ang 5,000 runners na nakiisa noong 2012.

Si Rev. Fr. Joel Alve, OAR-overall chairman ng Stags Run 3 at vice president ng student welfare ay nagsabi na ang paglalabanang kategorya ay nasa 3k, 5k at 10k distansya.

Ang mga Stags cagers tulad nina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Rommel Adducul ay lalahok din.

ANTHONY MORILLO

CALVIN ABUEVA

IAN SANGALANG

JOEL ALVE

MALL OF ASIA

ORDER OF AUGUS

PASAY CITY

ROMMEL ADDUCUL

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

SAN SEBATIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with