P-Noy pinayuhan si Nonito sa pagreretiro
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na pinayuhan siya ni Pangulong Benigno Aquino III kung kalian siya dapat magretiro o huminto sa paglalaro ng boxing.
Ito ang sinabi ni Donaire sa media briefing sa mga Malacañang reporters matapos ang kanyang courtesy call kay Pangulong Aquino.
Ayon sa kanyan nagpapasalamat siya sa Pangulo sa mga payo nito gayundin sa oras na ibinigay sa kanya ng chief executive.
Aniya, palagi niyang iisipin ang mga payo ng Pangulo kung saan ay dapat mabatid niya kung kelan siya magsisimula at hihinto sa paglalaro ng boxing.
Tumanggi naman si Donaire na magbigay ng kanyang ‘unsolicited advice’ kay Pambansang kamao Manny Pacquiao nang tanungin ito kung dapat na bang magretiro sa boxing si Pacman.
Iginiit pa ni Donaire, maganda ang ipinakitang laban ni Pacquiao kay Manuel Marquez at kahit sa oras na ito ay itinuturing niyang wala pa ring makakapantay sa narating ng Sarangani Congressman kahit natalo ito sa huling laban kay Marquez.
- Latest