^

PSN Palaro

Donaire ‘Fighter of the Year’?

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na malalaking panalo ang ipinoste ni world unified champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ngayong taon.

Kung ang mga boxing fans ang tatanungin, sapat na ang naturang mga tagumpay ng 30-anyos na tubong Talibon, Bohol para makamit ang 2012 Fighter of the Year.

“Malaking karangalan sa akin. Sana maging Fighter of the Year ako, but again, I always leave it up sa mga votes ng mga tao,” wika ni Donaire, ang kasalukuyang WBO at IBF super bantamweight champion.

Ang mga binigo ni Do­naire (31-1-0, 20 KOs) nga­yong taon ay sina Wilfredo Vazquez, Jr. (22-2-1, 19 KOs) ng Puerto Rico, Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) ng South Africa, Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) ng Japan at Mexican Jorge Arce (61-7-2, 46 KOs).

Tinalo ni Donaire si Vas­qu,lez via split decision upang sikwatin ang bakanteng WBO super bantamweight title noong Pebrero 4, habang isang unanimous decision victory ang kinuha ni Donaire kontra kay Mathebula noong Hul­yo 7 para sa WBO at IBF super bantamweight belts.

Pinabagsak naman ni Donaire si Nishioka sa ninth-round para sa WBO super bantamweight crown noong Oktubre 13 at isinunod si Arce via third-round KO victory para sa nasabi ring titulo noong Disyembre 15.

“Hindi ko po iniisip ‘yon eh. For me, ginagawa ko lahat ng makakaya ko inside the ring, and kung ano ang opinion ng mga tao at mga sportswriters, then I’m ho­nored,” ani Donaire.

 

DONAIRE

FIGHTER OF THE YEAR

FILIPINO FLASH

JEFFREY MATHEBULA

MEXICAN JORGE ARCE

PUERTO RICO

SOUTH AFRICA

TOSHIAKI NISHIOKA

WILFREDO VAZQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with