^

PSN Palaro

Marquez pinagreretiro na rin ng kanyang asawa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulad ng Pambansang kamao Manny Pacquiao, pinipigilan na rin ng pamilya ni Juan Manuel Marquez ang Mexican boxer sa pla­no nitong lumaban pa sa 2013.

Sa lumabas na paha­yag sa Boxingscene, sinabi ng 39-anyos na si Marquez na mahirap ang magdesis­yon kung lalaban pa siya o hindi sa papasok na taon dahil pumapagitna sa kanyang career ang kanyang asawa na si Erika.

Idinagdag ni Marquez na kung siya ang tatanu­ngin ay nais pa niyang lu­maban dahil gusto niyang wa­kasan ang makulay na boxing career na lumaban sa makasaysayang pa­­laruan sa Mexico na Es­tadio Azteca.

Ngunit, hindi pa malaman kung maisasakatuparan pa ito dahil sa paghimok ng asawa na magretiro na matapos kunin ang kumbinsidong 6th round knockout na panalo laban sa karibal na si Manny Pac­quiao noong nakaraang Ling­go sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“It’s the hardest decision of my life,” wika ni Marquez.

Naunang nangako si Marquez sa pamilya na mag­reretiro na kapag nai­sa­katuparan ang planong pa­tunayan na nadaya lamang siya noong natalo kay Pacquiao noong 2008 at 2011.

Dalawang beses niyang pinatumba si Pacman sa nasabing laban pe­ro ang pinakamatindi ay ang counter right na pi­nakawalan sa pasalubong si Pacquiao para bumuwal, una mukha, ang 8-division world champion isang segundo bago natapos ang ikaanim na round.

Kung susundin ang na­ipa­ngako at magretiro na ay puwede na rin, sabi ni Mar­­quez.

Nagretiro na si Marquez matapos lasapin ang kon­trobersyal na majority decision loss kay Pacman no­ong 2011 pero bumalik din siya dahil hindi mapalagay na hindi maipakita sa la­hat na siya ang tunay na nanalo sa nasabing laban.

Pero ang pinal na desisyon ay kanyang ihaha­yag sa hinaharap lalo pa’t naroroon pa ang kati na lumaban.

 

BOXINGSCENE

GRAND ARENA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MANNY PAC

MARQUEZ

PACMAN

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with