Phl Azkals dismayado sa pagkatalo sa Lions
SINGAPORE--Habang nakahiga ang mga Azkals sa artificial turf, tinakpan ng mga kamay ang kanilang mukha at pinigil ang luha sa gitna ng pagdiriwang ng Singapore Lions sa kanilang 1-0 panalo kamakalawa ng gabi sa Jalan Baser Stadium.
Ang panalo ng Lions ang nagpasok sa kanila sa finals ng 2012 AFF Suzuki Cup.
Dumiretso si Phl manager Dan Palami sa mga Azkals at kinalma ang mga ito at sinabing hindi dito natatapos ang kanilang kampanya.
“It’s one of those occasions when you have to be strong, to show everybody that it’s not the end,” sabi ni Palami sa Azkals na tumulak ng isang scoreless draw sa first leg ng kanilang semifinal tie ng Lions noong nakaraang Sabado sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.
“But I think we went down fighting so it’s something the boys can be proud of. I will continue to support the team and make sure we get to move on. Maybe 2014 (the next Suzuki Cup) beckons for us. We have to prepare for that again,” dagdag pa ni Palami.
Nagpalakas ang Azkals sa pamamagitan ng paghugot sa ilang high-caliber pros na nakabase sa Europe bukod pa sa pagtatayo ng mga training camps at pagsasagawa ng mga friendlies sa buong taon.
“Any loss for me is tough but this one hurts a lot because this is what we’ve been preparing for. But to fold up now will be to even let the team down. We just have to rise from this particular defeat and concentrate on what we have to do in the future,” ani Palami.
- Latest