^

PSN Palaro

Diretsong 9 ibinigay ni Durant sa Thunder

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY--Umiskor si Kevin Durant ng 35 points para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 92-88 panalo kontra sa New Orleans Hornets at idiretso sa siyam ang kanilang winning streak.

Matapos maiwanan ang Thunder ng Hornets ng 11 points sa dulo ng third quarter, ipinasok ni Oklahoma City coach Scott Brooks ang kanyang mga maliliit at ma­bibilis na mga players, kasama dito sina Reggie Jackson at backup point guard Eric Maynor, Kevin Martin at Durant.

Isang 7-0 run ang ginawa ng grupo para isara ang na­­turang yugto kasunod ang isang 9-2 atake na tinampu­kan ng slam dunk ni Durant para ibigay sa Thunder ang 67-64 kalamangan.

Tumapos si Jackson, ibinabad sa fourth quarter, ng may 5 points para sa kanyang unang laro mula noong Disyembre 1 laban sa New Orleans at kanyang pang 11th appearance para sa Thunder sa 22 laro ngayong season.

Naglaro si Jackson sa NBA Developmental League pa­ra sa Tulsa 66ers.

‘’You’ve just got to stay ready,’’ sabi ni Jackson. ‘’Of course it’s tough, but once you get out there, especially in this atmosphere, it’s easy to get going.’’

Dahil sa panalo, dinuplika ng Thunder ang kanilang second-best start sa kanilang franchise history sa 18-4.

Binuksan ng Seattle SuperSonics ang 1993-94 sea­son sa 20-2 record at sinimulan ng Thunder ang na­karaang season sa 18-4.

Ito ang pangatlong panalo ng Thunder laban sa Hor­nets.

Umiskor si Brian Roberts ng 16 points para pamu­nuan ang New Orleans, nalasap ang kanilang pang li­mang sunod na kamalasan.

BRIAN ROBERTS

DEVELOPMENTAL LEAGUE

ERIC MAYNOR

KEVIN DURANT

KEVIN MARTIN

NEW ORLEANS

NEW ORLEANS HORNETS

OKLAHOMA CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with