Boxing ‘di na prayoridad ni Pacman--Lewkowicz
LAS VEGAS--Alam na ni Uruguay boxing guru Sampson Lewkowicz na mapapabagsak ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao sa kanilang pang apat na paghaharap sa MGM Grand Garden Arena.
At ito nga ang eksaktong nangyari.
Nakita na ni Lewkowicz, ang promoter ni IBF lightflyweight champion Johnriel Casimero, ang senyales dahil sa pagiging abala ni Pacquiao sa politika, relihiyon at ilang aktibidades na hindi kasama sa kanyang pagbo-boksing.
“Boxing is a very jealous sport,” wika niya. “You’ve got to be totally devoted to it. If you’re not, it’s like cheating on your wife. Boxing demands that you’re 100 percent devoted to the sport. You can’t be a fighter and a politician or a preacher. If Manny wants to continue fighting, he has to rededicate himself to boxing. I don’t know if at this stage in his life, he’d like to do that.”
Nanalo ang alaga ni Lewkowicz na si Javier Fortuna ng Dominican Republic kay Patrick Hyland para kunin ang bakanteng interim WBA featherweight title sa undercard.
Itinaas ng 23-anyos na si Fortuna ang kanyang record sa 21-0-1, kasama ang 15 KOs.
Sinabi ni Lewkowicz na nakikipag-usap na siya para sa susunod na pagdedepensa ni Casimero laban kay No. 1 contender Luis Alberto Rios ng Panama.
“It could go to a purse bid,” ani Lewkowicz.
Sinabi ni Boxing trainer Robert Garcia, ang trainer nina Nonito Donaire at Brandon (Bam Bam) Rios, na dapat nang magretiro si Pacquiao.
Ito ay galing na rin sa kanyang karanasan.
Si Garcia ay isang dating IBF superfeatherweight champion bago siya nagretiro sa edad na 26-anyos noong 2001 matapos matalo ng tatlo sa kanyang huling limang laban.
Natalo siya kina Joel Casamayor, Ben Tackie at Diego Corrales.
- Latest