^

PSN Palaro

Roach nasorpresa sa lakas ni Juan Ma

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit ang trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach ay nagulat sa iba­yong lakas na ipinakita ni Juan Manuel Marquez.

Umani si Marquez ng 6th round knockout tagumpay laban kay Pacquiao na nangyari  isang segundo bago  natapos ang naturang round.

Isang matinding counter-right hook ang pinakawalan ni Marquez na nagresulta upang bumagsak sa lona na una ang mukha ng Pambansang kamao.

Bago ito ay isang suntok din ang pina­kawalan ni Marquez sa ikatlong round at bumulagta si Pacquiao una ang likod.

Sa punch stats ng tagisan ay dominadong-dominado ito ni Pacquiao.

May 256-246 bentahe si Pacquiao sa pinakawalang suntok sa kabuuan ng laban at may 94-52 kalamangan sa mga patama.

May 26-11 kalamangan si Pacquiao sa mga tama sa jabs habang 68-41 naman ang bilang sa power punches pabor din sa 8-division world champion.

“I think he’s punching harder. Very strong, very physical,” wika ni Roach sa post fight press conference.

“Manny was fighting a good fight. He was really on top of that round and I didn’t know whether Marquez would survive that,” dagdag ni Roach na ang tinutukoy ay ang fifth round na kung saan pinatum­ba ni Pacquiao ang Mexican fighter gamit ang kaliwa at binasag pa ang ilong.

Masakit ang kabiguang ito pero sinabi ni Roach na hindi ito dapat magresulta para tuluyang magretiro si Pacquiao.

Aniya ay kakausapin niya ang Kongre­sista ng Sarangani Province upang alamin kung ano ang kanyang tunay na naisin at titignan din kung mayroon pang ilalabas bago pagdesisyunan kung ito na ba ang huling laban ni Pacquiao.

Sinabi naman ni Pacquiao matapos ang laban na magpapahinga muna siya pero babalik din sa pagsasanay para paghandaan ang mga labang haharapin sa susunod na taon.

 

ANIYA

FREDDIE ROACH

ISANG

JUAN MANUEL MARQUEZ

KAHIT

KONGRE

MARQUEZ

PACQUIAO

SARANGANI PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with