Azkals, Lions draw sa 0-0
MANILA, Philippines - Samantala, tutulong ang Azkals para makabangon ang mga nasalanta ng Bagyong Pablo sa Mindanao.
Ito ay matapos ihayag ng mga kasapi ng Azkals ang kanilang pagpayag na magbigay ng pinansyal na tulong na magmumula sa kanilang makukuhang bonus sa paglalaro sa koponan kontra sa Singapore.
Nasa kontrata ng bawat kasapi ng Azkals ang pagkakaroon ng bonus sa tuwing may makukuhang panalo sa mahahalagang torneo tulad ng AFF Suzuki Cup.
Nasa semifinals na ang Azkals at may kaukulang pabuya ito na manggagaling kay team manager Dan Palami at ito ang ipantutulong ng Azkals sa mga nabiktima ng malakas na bagyo.
“They would like to donate whatever bonus they’re getting for relief efforts of our brothers and sisters in Southern Mindanao,” wika ni Palami.
Naniniwala rin ang Azkals officials na maaring may pumasok pang tulong matapos ang inasta ng Pambansang koponan.
- Latest