^

PSN Palaro

Magandang paghabol ng Aces

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Napakalaking morale booster para sa Alaska Milk ang pangyayaring naipanalo pa nito ang laro kontra sa Petron Blaze noong Miyerkules kahit pa sa unang tatlong quarters ay animo patungo na sila sa pagkaka-lugmok.

Sa totoo lang, medyo humihikab na nga ang mga taong nanood ng twinbill ng 2012-13 PBA Philippine Cup ng gabing iyon kasi tambakan na ang nangyari sa unang game kung saan dinurog ng Air21 ang Global- port, 113-92 upang makaseguro ng playoff para sa huling quarterfinals berth,

E, sa second game ay nilamangan din ng Petron ang Alaska Milk ng 21 puntos at tila nga parang yung nangyari sa first game ang magiging ending.

Pero isang quarter lang ang kinailangan ng Aces upang burahin ang abante ng Boosters at nagwagi pa sila nang ‘pulling away!’ Ang final score: 79-71.

Dahil doon ay nagtapos ang Alaska Milk nang may 8-6 record sa elimination round at nakaseguro ng best-of-three na serye sa quarterfinal round.

At iyon naman talaga ang hinahabol ng mga kopo-nang hindi makakakuha ng top two na puwesto sa katapusan ng elims. Nais nila na sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto mapalagay para sa best-of-three ang maging laban.

Dahil sa kabiguan, ang Petron ay nagtapos nang may 6-8 record at ikapitong puwesto. Bunga nito’y ma­kakalaban ng Boosters sa quarterfinals ang No. 2  seed.

Sa ilalim ng tournament rules, ang top two seeds ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quar­terfinals.

Ang bigat na bentahe iyon. Biruin mong malakas ka na nga at naipakita mo ito sa pamamagitan ng pagiging isa sa top two teams, tapos minsan ka lang kailangang manalo kontra kalaban sa quarterfinals upang umabot sa semis.

Ito ang sitwasyong bubunuin ng Petron Blaze at ng rookie coach na si Rodericko Racela.

Masaklap. Kasi nga, abot tanaw na ng Petron ang panalo kontra Aces subalit hindi nito napanatili ang kalamangan. Nawalan ng focus sa laro. Natalo.

At dahil doon, tiyak na mababa ang morale ng Boos-ters papasok sa quarterfinals. Baka hindi sila makaisa kung hindi nila isasaisang-tabi ang sama ng loob nila.

Sa kabilang dako, dahil mataas ang morale ng Aces, tiyak na maganda din ang magiging umpisa ng quarterfinals para sa kanila. Kaya naman kailangang paghandaan sila nang husto ng kanilang makakatapat.

Magandang bawi ang nangyari sa  Alaska Milk. Kasi nga’y inakala ng karamihan na tuluy-tuloy na ang pagsadsad ng tropa ni coach Luigi  Trillo nang makaranas sila ng apat na sunod na kabiguan.

Mabuti na lang at nakapagpondo sila ng limang panalo. At mabuti na lang at  kaya pala nilang bumangon.

Winakasan ng Aces ang elims sa pamamagitan ng three-game winning streak.

Iyon ang maganda. Kasi, ibig sabihin nito’y nakuha nila ang momentum papasok sa quarterfinals. At kung kaya nilang nakabangon sa napakalaking kalamangan ng isang powerhouse team na tulad ng Petron, aba’y kaya nila itong gawin kahit kanino pa.

Iyon ang leksyong kanilang natutunan noong Mi-yerkules.

Delikado ang kalaban ng Aces!

***

HAPPY birthday kay Dick Odulio na nagdiriwang ngayon, December 8. Belated greetings din kay Jose Pascua na nagdiwang noong December 6.

ALASKA MILK

DAHIL

DICK ODULIO

IYON

JOSE PASCUA

KASI

PETRON

PETRON BLAZE

PHILIPPINE CUP

RODERICKO RACELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with