^

PSN Palaro

Northern Luzon gumawa ng eksena sa archery, 14 gold pinana

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY , Philippines --Kung may 12 gintong medalya ang Quezon City sa swimming, winalis naman ng Northern Luzon ang lahat ng nakatayang 14 gold me­dals sa archery event sa PSC-POC Batang Pinoy 2012 National Finals kahapon sa La Paz Plaza football field.

Pumana ng tig-limang gintong medalya ang pambato ng Baguio City na si Kareek Meer Hongitan at May Queen Ybanez ng San Fernando City, La Union upang pamunuan ang Northern Luzon.

Nanalo si Hongitan sa cadet girls’ 30-meter, 40-meter, 50-meter, 60-meter at single fita, habang nanaig si Ybanez sa cub girls’ 20-meter, 30-meter, 40-meter, 50-meter at single fita events.

Sa swimming, nilangoy nina Raissa Regatta Gavino, Kirsten Chloe Daos at Jeremy Brian Lim ang kani-kanilang pang apat na gintong medalya para sa kabuuang 12 ng Quezon City.

Sa athletics, kumuha ng apat na ginto si Mary Anthony Diesto ng Bacolod City galing sa girls’ 14-15 100-meter dash, long jump, triple jump at nakasama sa 4x100m relay team.

Sa triathlon, nanaig sina Magali Echauz ng Makati City at Sixto Lalanto ng Ca­gayan De Oro City sa ka­ni-kanilang 250-meter swim-5-kilometer bike-1.2-kilometer run event mula sa itinalang mga oras na 20:28.00 at 17:57.28, ayon sa pagkakasunod.

Sa boxing, anim na at­leta ang umabante sa semis para sa Mandaue City, habang may lima ang Pagsanjan, tig-apat ang Carmen at Panabo City at may tig-tatlo ang Mandaluyong at Leyte.

Sa boy’s 3-on-3 basketball, tinalo ng Pangasinan ang Zamboanga, 18-16, at giniba ng Sta. Rosa ang Iloilo, 15-9, para kunin ang gold medal sa boy’s at girls’ division, ayon sa pagkakasunod

 

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BATANG PINOY

CITY

DE ORO CITY

JEREMY BRIAN LIM

KAREEK MEER HONGITAN

METER

NORTHERN LUZON

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with