^

PSN Palaro

Smith isinalba ang Knicks

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE, N.C.--Sa pagkakasugat ng daliri ni Carmelo Anthony, umasa ang New York Knicks kay J.R. Smith para sa huli nilang tira.

Nagsalpak si Smith ng isang fallaway jumper sa pagtunog ng final buzzer para ilusot ang Knicks kontra sa Charlotte Bobcats, 100-98.

Humugot si Anthony ng 20 sa kanyang 23 points sa first half, ngunit nanlamig sa second half at nanatili sa bench sa huling 2:10 matapos ma-injured ang kanyang kanang kamay.

Humakot naman si Tyson Chandler ng 18 points at 17 rebounds para sa Knicks, habang may 13 points si Smith.

Nagtala si Kemba Wal­ker ng 25 points at 11 rebounds para sa Bobcats (7-10), nalasap ang kanilang pang limang sunod na ka­biguan.

Nagkaroon pa ng tsansa ang Bobcats na makuha ang panalo matapos ang mintis ni Raymond Felton sa huling 14 segundo, ngu­nit naagaw ni Smith ang pasa ni rookie Michael Kidd-Gilchrist.

Matapos ang timeout, isinalpak ni Smith ang isang 18-footer laban kay Kidd-Gilchrist.

CARMELO ANTHONY

CHARLOTTE BOBCATS

HUMAKOT

HUMUGOT

KEMBA WAL

KIDD-GILCHRIST

MICHAEL KIDD-GILCHRIST

NEW YORK KNICKS

RAYMOND FELTON

TYSON CHANDLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with