POC-PSC Batang Pinoy Finals 32 gold pag-aagawan sa athletics
ILOILO CITY--Kabuuang 32 gold medals ang ipamimigay sa Day One ng athletics event sa paghataw ngayon ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy 2012 Nationals Finals dito sa Iloilo City Sports Complex matapos makansela ang mga laro dahil sa bagyong si ‘Pablo’.
Ang mga lalatagan ng gintong medalya sa athletics ay sa 5,000 meter at 2,000-meter run, long jump, shot put, high jump, 400-meter, 100-meter hurdles, 110-meter hurdles, 100-meter, 1,500-meter at 4x100-meter relay para sa girls at boys in 13-under at sa 14-15 years old divisions.
Maghahanay rin ng mga gold medals sa swimming competition bagamat hindi pa nailalabas ng mga organizers ang final schedule.
Pawang mga finals din ang makikita sa wushu ngayong araw sa Jaro Plaza covered court sa sanda at taolu events at maging sa taekwondo sa Western Institute Technology covered gym at archery sa La Paz football field.
Isang three-day schedule ang inilabas ng PSC sa hangaring mabigyan ng pagkakataon ang mga atletang na-stranded dahil sa pagtama ng bagyo sa Visayas at Mindanao regions.
Ang mga hindi nakara ting dito ay ang mga boxer mula sa Davao del Norte, Panabo at Bago City.
- Latest