Dahil kay ‘Pablo’ aksyon sa BP National Finals kanselado
ILOILO CITY, Philippines --Dahil na rin sa inaasahang paghampas ng bagyong si ‘Pablo’, nagdesisyon ang mga organizers ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy 2012 National Finals na ipagpaliban ang pagsisimula ng mga aksyon ngayong araw.
Ang mga laro sa walong sports disciplines ay lalaruin bukas, ayon kay overall project director Atty. Jay Alano,
“Just for the safety of the participants, we decided to cancel all the games tomorrow because we expect the typhoon to hit the province on Wednesday,” ani Alano.”
Ang mga events na ipinagpaliban ay ang athletics, badminton, basketball, chess, lawn tennis swimming, table tennis at taekwondo.
Ang Iloilo City ay nasa ilalim ng Signal No. 2 matapos tumama si ‘Pablo’ sa Mindanao.
Samantala, itinuloy naman ang opening ceremonies kahapon sa isang covered basketball court imbes na sa naunang pagdarausang Iloilo Sports Complex.
Isang welcome dinner ang ibinigay ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog para sa mga delegado na kalahok sa naturang sports meet para sa mga batang atletang may edad 15-anyos pababa.
Idedepensa ng Laguna, hinirang na Southern Luzon leg champion, ang kanilang korona sa POC-PSC National Finals na huling pinamahalaan ng Naga City noong nakaraang taon.
Isang 300-man delegation ng Pangasinan, tinanghal na overall titlist sa Northern Luzon leg, ang inaasahang maghahamon sa Laguna bukod pa sa National Capital Region (15), Mindanao (30), Northern Luzon (19), Southern Luzon (30) at Visayas (19).
- Latest