Hobe Bihon tinalo ang Skyforce para sa DELeague title
MANILA, Philippines - Bumangon ang Hobe Bihon mula sa kanilang kauna-unahang kabiguan matapos gibain ang Skyforce Team, 100-89, para angkinin ang 2nd DELeague Open Invitational Basketball Cup sa Marikina Sports Park.
Hinawakan ng Hobe Bihon ang ‘twice-to-beat ‘advantage sa finals kontra sa Skyforce, nanalo sa Game One, 97-91.
Ang Hobe Bihon ay pinangunahan ni Jeff Viernes na tumipa ng 22 points kasunod ang 21 puntos ni Christian Jefferson na itinanghal bilang Most Valuable Player ng ikalawang season ng torneyong itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman.
Bukod sa eleganteng tropeo, nakamit din ng Hobe Bihon ang premyong P150,000.
Nakuha naman ng Skyforce Team ang P75,000.
Tinalo ng Hog’s Breath Café ang dating kampeong Sta. Lucia East Grand Mall, 92-82, para sa ikatlong puwesto.
Nagpaabot ng pasasamalat si Mayor Del De Guzman sa mga bumubuo, tumangkilik at mga sponsors ng liga katulad ng PCA-Marivalley, OLOPS College, Jekasa Sportswear, Hobe Bihon, Mckie’s Video, Simply Delicious at LUYONG Panciteria.
- Latest