^

PSN Palaro

Azkals kumikikig pa: Pasok sa semis matapos gibain ang Myanmar

OLeyba - Pilipino Star Ngayon

BANGKOK--Hindi mai­larawan ang naramdaman ng Philippine Azkals nang pumito si Omani referee Abdul Baqi Yaqoob para pormalisahin ang pagpasok ng mga Pinoy booters sa semifinal round nang gibain ang Myanmar, 2-0, sa 2012 AFF Suzuki Cup Group A noong Biyernes ng gabi.

Pinunasan nila ang ka­nilang mga luha, habang itinaas naman ni German coach Michael Weiss ang kanyang mga braso bilang simbolo ng tagumpay.

Kinuha ni team captain Chieffy Caligdong ang isang malaking Phl flag at ipinagmalaking iwinagay­way ito sa harap ng nagdiri­wang ng halos 1,000 Filipino fans na nagpilit talunin ang mga Burmese sa pa­ramihan ng tagahanga sa Supachalasai Stadium.

“Everybody was emotional because the first game was quite a downer losing to Thailand. But we recovered in the next two games, we got the six points and we’re through and look forward to whomever it is we’re meeting in the semis,” sabi ni Azkals manager Dan Palami.

Matapos malasap ang 1-2 kabiguan sa Thailand, bumangon ang Azkals para biguin ang Vietnam, 1-0.

Ang panalo naman ng Azkals sa Myanmar White Angels ang kanilang kauna-unahan matapos ang anim na kabiguan at tatlong pagtatabla sapul noong 1985.

Sinabi ni Philippine Football Federation president Nonong Araneta na ang pagpasok ng Azkals sa Final Four ng 2012 AFF Suzuki Cup ay resulta ng kanilang pagtitiyaga at sak­ripisyo.

Sa panalo laban sa Burmese, sumandal ang Azkals kina Dennis Cagara, Juani Guirado, Jason de Jong, Phil Younghusband at Angel Guirado.

Dalawang minuto matapos ang halftime break, isinalpak ni Younghusband ang isang goal mula sa long ball ni de Jong na nakalusot kay Myanmar goalkeeper Thia Si Thu.

Ang ikalawang puntos ng Azkals ay nanggaling kay Guirado, ang pamalit kay Denis Wolf, buhat sa pasa ni Carli Murga.

Matibay na depensa naman ang ibinigay ni Ca­gara, Guirado, Rob Gier at de Murga at goalkeeper Ed Sacapaño kontra sa atake ng White Angels lalo na sa kanilang pambatong si Kyi Lin.

 Nakaipon ang Azkals ng six points (2-0-1) para pumangalawa sa Thailand (nine points) sa Group A.

Tinalo ng Thailand ang Vietnam, 3-1, sa isa pang laban sa Rajamangala Sta­dium.

Makakatapat ng Phl XI ang topnotcher sa Group B sa susunod na Sabado sa first leg ng isang two-leg semis series na idaraos sa Rizal Memorial.

ABDUL BAQI YAQOOB

ANGEL GUIRADO

AZKALS

CARLI MURGA

CHIEFFY CALIGDONG

DAN PALAMI

DENIS WOLF

DENNIS CAGARA

ED SACAPA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with