^

PSN Palaro

6-dikit na panalo sinagasaan ng NLEX

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selyado pa rin ng NLEX ang pagiging paboritong team sa idinadaos na PBA D-League Aspirants’ Cup.

Sa unang pagkikita ng dalawang koponan na naglaban sa kampeo­nato noong nakaraang con­ference, pinatunayan ng Road Warriors na malayo pa rin ang kalidad ng kanilang laro kumpara sa Big Chill sa pamamagitan ng 91-67 tambak na panalo kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumipak ng 20 puntos si Ian Sangalang habang isang mintis sa pitong buslo lamang ang naitala ni Jake Pascual sa naiambag na 13 puntos at 10 rebounds para tulungan ang NLEX na sagasaan ang ikaanim na  sunod na panalo.

“Lagi kong sinasabi na hindi maganda ang aming depensa sa mga na­gdaang laro. Pero ngayon ay committed sila na dume­pensa kaya ganito ang kinalabasan ng laban,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez na mayroon na ring 23 sunod na panalo mula Enero 30.

Mainit sa kabuuan ng laban ang Road Warriors at nakita ito sa ginawang 60.4 percent sa 2-point fieldgoals (32 of 53) habang ang Super Chargers ay may mahinang 20 of 61 kabuuang shooting (32.8%).

Nagpasabog naman ng career-high na 30 puntos si Carlo Lastimosa habang si Pong Escobal ay nagpa­kawala ng mahalagang tres upang katampukan ang 78-73 panalo ng Fruitas Shakers sa Erase Xfo­liant sa unang laro.

 

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

CARLO LASTIMOSA

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFO

FRUITAS SHAKERS

IAN SANGALANG

JAKE PASCUAL

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with