^

PSN Palaro

Tabora kumakasa pa; Bautista delikado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalaban pa si Krizziah Tabora para makapasok sa top 24 sa women’s division sa 48th Qubica/AMF Bowling World Cup na idinadaos sa SkyBowling Centre sa Wroclaw, Poland.

Nasa ika-17th puwesto si Tabora matapos ang 15 games sa eliminasyon sa 3092 para sa 206.27 pins average 3551 o 236.73 pins average.

Limang laro pa ang haharapin ni Ta­bora at kailangan lamang niya na mapa­natili ang puwesto para makausad sa su­­sunod na round.

Ngunit nasa peligro si RJ Bautista na bumagsak sa ika-25th puwesto mula sa dating pang-13.

Nangapa si Bautista sa kanyang tunay na porma para magkaroon lamang ng 3118 papasok sa huling limang laro.

Kailangang mapagningas uli ni Bautista ang laban para makahabol sa mga aabante sa susunod na round.

Nakuha nina Tabora, mag-aaral ng Miriam College, at Bautista ang karapatang kumampanya nang pangunahan ang idinaos na national championships sa Manila.

Nangunguna sa kalalakihan na nilahukan ng 82 bowlers si Marshall Kent ng US sa 3453 habang si Shayna Ng ng Singapore ang nagdodomina sa kababaihan na may 69 manlalaro sa 3551.

Hanap nina Bautista at Tabora na big­yang ningning ang Pilipinas na isa sa tinitingala sa World Cup matapos manalo ng apat na titulo si Paeng Nepomuceno.

 

BAUTISTA

BOWLING WORLD CUP

KAILANGANG

KRIZZIAH TABORA

MARSHALL KENT

MIRIAM COLLEGE

PAENG NEPOMUCENO

SHAYNA NG

TABORA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with