^

PSN Palaro

GTK hihirit sa korte ng TRO para ‘di matuloy ang POC Election

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa ng dumulog ang mga abogado ni Go Teng Kok sa Pasig Regional Trial Court para sa hanga­ring pagpapatigil sa POC Election sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club.

Nakuha na ng athletics president na si Go ang kopya ng desisyon ng 3-man election committee na itinatag ng POC na nag­sasaad na hindi siya puwedeng tumakbo sa ha­lalan.

Binanggit sa liham ang deklarasyon kay Go bilang isang persona non grata ng POC General Assembly dahilan upang tuluyan siyang mapaalis bilang kasapi ng samahan ang siyang nagtulak sa komite na siya’y pagbawalang sumali sa halalan.

Naunang kumatig kay Go ang Pasig Regional Trial Court na nagsabing ilegal ang aksyon ng POC dahil hindi ito dumaan sa due pro­cess. Ang desisyong ito ay sinang-ayunan ng Supreme Court dahil hindi sinipot ng mga abogado ng POC ang mga itinakdang pagdinig.

“Wala na akong ma­gagawa kundi ang lumapit uli sa korte para kumuha ng Temporary Restraining Order (TRO). Ayaw nilang sundin ang utos ng korte,” wika ni Go.

Ngayong umaga  isusumite ng mga abogado ni Go ang motion at nananalig siyang lalabas ang TRO sa Huwebes dahil walang pasok ang araw ng Biyer­nes bilang paggunita sa Bonifacio Day.

vuukle comment

ALABANG COUNTRY CLUB

AYAW

BINANGGIT

BIYER

BONIFACIO DAY

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

SUPREME COURT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with