^

PSN Palaro

PCSO tuloy pa rin ang suporta sa Phl sports

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming hindi nakakaalam na ang Philippine Charity Sweepstakes Office, sa loob ng walong dekada, ay nagtataguyod sa sports development program at ma­ging sa mga kampanya ng Filipino athletes sa iba’t ibang international sports arenas. 

Itinatag noong 1934 sa ilalim ng Republic Act 4130, ang PCSO ang naging bukal ng pondo ng Philippine Amateur Athletic Federation, ang governing body para sa amateur sports.

Sa P2 million annual budget ng PAAF, ang 50 percent o P1 milyon ay galing sa sweepstakes draws kung saan ang 20 national sports associations ay nakakakuha ng taunang P30,000 para sa kanilang year-round development program pati na sa partisipasyon ng mga atleta sa international competitions.

Naimiyendahan ang naturang batas na nagtatag sa Philippine Sports Commission sa ilalim ng Rep. Act 6847.

Ang papel ng PCSO bilang main source ng pondo para sa sports requirements ay nailipat sa Philippine Gaming Corp.

Ang PCSO, ayon kay chairman Margie Juico, ay patuloy na sumusuporta sa Philippine sports.

“No, PCSO’s role in the government’s sports development program did not stop upon the creation of the PSC,” sabi ni Madam Juico sa SCOOP session sa Kamayan Restaurant along Padre Faura St. sa Malate.

“Republic Act 6847 which established the Philippine Sports Commission in January 24, 1990 provided that the Charity Fund of PCSO from the proceeds of six sweepstakes or lottery draws per annum shall go to the PSC,” dagdag pa ni Juico.

vuukle comment

CHARITY FUND

KAMAYAN RESTAURANT

MADAM JUICO

MARGIE JUICO

PADRE FAURA ST.

PHILIPPINE AMATEUR ATHLETIC FEDERATION

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REPUBLIC ACT

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with