^

PSN Palaro

Brooklyn giniba ang Portland

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Tila nag­ha­handa na ang Brooklyn Nets para sa kanilang paghaharap ng kapitbahay na New York Knicks.

Kumolekta si Deron Williams ng 15 points, 12 assists, 4 blocked shots at 3 steals  at pangunahan ang 98-85 panalo ng  Nets kontra sa Portland Trail Blazers.

Sinabi ni reserve forward Reggie Evans na ‘’we didn’t have no energy, no life’’ bago sila umarangkada sa fourth quarter kagaya ng kanilang naging panalo laban sa Clippers.

Ang unang paghaharap ng Nets at Knicks ay ipinagpaliban dahil sa pagragasa ni Superstorm Sandy.

Humakot naman si Kris Humphries ng 14 points at 10 rebounds para sa Brooklyn.

Kasalukuyang dala ng Knicks ang 9-3 baraha para sa kanilang best record sa Eastern Conference kumpara sa 8-4 ng Nets.

Umiskor si Brook Lopez ng 15 points para sa Brooklyn, kinuha ang kanilang pang limang sunod na pa­nalo sa Barclays Center.

Sa iba pang laro, pinataob ng San Antonio ang Toronto, 111-106 sa overtime; nanaig ang Boston sa Orlando, 116-110 sa overtime at hiniya ng Denver ang New Orleans, 102-84.

vuukle comment

BARCLAYS CENTER

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

EASTERN CONFERENCE

KRIS HUMPHRIES

NEW ORLEANS

NEW YORK KNICKS

PORTLAND TRAIL BLAZERS

REGGIE EVANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with