^

PSN Palaro

Pinoy netters papalo sa semis ng Phinma netfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namuro ang Pilipinas na walisin ang mga singles events na pinaglalaba­nan sa 2012 Phinma International Juniors Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sina Jurence Mendoza at Alberto Lim ay umani ng panalo sa boys division habang si Marian Capadocia ay nagwagi sa girls sa quarterfinals kahapon.

Hiniya ng 12-anyos top seed na si Mendoza si sixth seed Ahmed Deedat Abdul Razak ng Malaysia, 6-2, 6-1.

Ang panalo ay nagtiyak na mahihigitan ni Mendoza ang pagkapasok lamang sa quarterfinals noong na­karaang taon dahil sunod niyang haharapin si fourth seed Yusuke Takahashi ng Japan sa semis nga­yon.

Si Takahashi ay nasa last four nang pagpahingahin si seventh seed Congsup Congcar ng Thailand, 7-5, 6-0.

“Mas relax at may pa­sen­sya ako sa mga palitan. Focus lang ako sa bawat point,” wika ni Mendoza na nakatakdang maglaro sa kauna-unahan niyang Grandslam event na Australian Open sa Enero.

Ang 13-anyos na si Lim na nanalo sa doubles sa Singapore ITF Junior Championships, ay nanaig kay Shoma Kato ng Japan, 6-1, 7-5.

Kasapi ng Philippine Ten­nis Academy, sunod na kalaban ni Lim si Daniel Nolan ng Australia na may 7-5, 7-6(2), tagumpay kay Shoki Kasahara ng Japan.

Si Capadocia, edad 17  na fourth seed sa kababaihan at sariwa sa 6-1, 6-2, panalo sa top seed Sri Vaishnavi Peddi Reddy ng India noong Miyerkules, ay sinibak naman ang eight seed Ma Yi Chi ng Taipei, 6-2, 6-1.

Ang puwesto sa finals ay paglalabanan nina Capadocia, isang semifinals noong 2011, laban sa third seed Miki Kobayashi ng Japan na humirit ng 6-0, 6-0, panalo kay fifth pick Plobrung Pliphuench ng Thailand. 

 

AHMED DEEDAT ABDUL RAZAK

ALBERTO LIM

AUSTRALIAN OPEN

CONGSUP CONGCAR

DANIEL NOLAN

JUNIOR CHAMPIONSHIPS

MA YI CHI

MARIAN CAPADOCIA

MENDOZA

SEED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with