^

PSN Palaro

Grupo ng NSA officials naghain ng malinaw na plataporma para sa sports

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Adbokasya na tutukoy sa pagpapalakas ng palakasan sa bansa ang siyang sinasandalan ng grupo ng mga NSA officials na nais na manilbihan sa Philippine Olympic Committee sa susunod na apat na taon.

Sa pangunguna ni da­­ting PSC commissio­ner Monico Puentevella, ta­takbong chairman, plano nilang paigtingin ang ka­alaman sa ‘Olympism’, pagla­­­latag ng ‘Sports by All’ Program, pagpapaunlad sa kaalaman ng mga national coaches at ang paggalang sa awtonomiya ng mga National Sports Associations (NSAs)

Bukod kay Puentevella, tumatakbo rin sa nasabing grupo si Manny Lopez, na nais na manatili bilang 1st Vice President ng POC, Abraham “Bambol” Tolentino bilang 2nd Vice President, Romy Ribano bilang treasurer, Jun Galindez bilang auditor at sina Atty. Victor Africa, Gener Dungo at Hector Navasero bilang board members.

Tinuran ng grupo na tungkulin ng POC ang pagpapakalat ng Olympism at magagawa ito sa pagsama sa mga aralin sa physical education sa mga paaralan at unibersidad.

Ang ‘Sports by All Program’ ay maisasakatuparan sa planong pagtatag ng komisyon para rito habang ang pagpapalalim sa kaalaman ng mga national coaches at iba pa ay makakamit sa pagpapatayo ng Philippine Coaches Accreditation Council.

Titiyakin din ng grupo kung manalo ang pagbi­bigay respeto sa awto­nomiya ng mga NSAs at hindi makikialam ang POC sa gagawing pagpili nila ng mga opsiyales, mga planong programa at mga aktibidades para mapaunlad ang kanilang mga pala­kasan.

ALL PROGRAM

GENER DUNGO

HECTOR NAVASERO

JUN GALINDEZ

MANNY LOPEZ

MONICO PUENTEVELLA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

SHY

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with