Lakers isinalya ang Nets
LOS ANGELES -- Humugot si Kobe Bryant ng anim sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto para akayin ang Los Angeles Lakers sa 95-90 panalo laban sa Brooklyn Nets sa unang laro ni head coach Mike D’Antoni.
Humakot si Dwight Howard ng 23 points at 15 rebounds sa kabila ng kanyang matamlay na 7-for-19 shooting sa freethrow line para sa Lakers.
Nagdagdag sina Pau Gasol at Metta World Peace ng tig-17 markers para sa Lakers.
Ang panalo ng Lakers ang tumapos sa five-game winning streak ng Nets.
Tumipa si Brook Lopez ng 23 points at may 22 si Deron Williams para sa Brooklyn.
Nagdagdag si Joe Johnson ng 14 points para sa Nets.
Sa iba pang laro, tinalo ng New York ang New Orleans, 102-80, sa likod ng 29 points ni Carmelo Anthony, habang giniba ng Philadelphia ang Toronto, 106-98, mula sa 21 markers ni Jason Richardson.
- Latest