JRU, Informatics mag-uunahan sa unang panalo
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Jose Rizal University at Informatics na makatikim ng unang panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayong hapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.
Magkukrus ang landas ng Heavy Bombers at Icons sa alas-2 ng hapon.
Mahalaga ang bawat laro dahil single-round robin lamang ang eliminasyon at ang mangungunang dalawang koponan ang aakyat sa semifinals, habang ang sunod na apat na koponan ang maglalaban sa quarterfinals.
Ang NLEX (4-0) ang tumalo sa JRU (0-2), 91-87, at Infomatics (0-3), 88-81.
Sa ikalawang laro, tatangkain ng Cebuana Lhuillier (1-2) na wakasan ang dalawang dikit na pagkatalo sa pagharap sa Café France (2-1) sa alas-4.
Yumukod ang Gems sa Fruitas ((1-2), 90-91, at sa Big Chill (3-0), 61-81.
Hindi nakakasiguro ang tropa ni coach Beaujing Acot dahil ang Bakers ay galing sa 73-58 sa kontra sa Erase Xfoliant (2-2).
- Latest