Malaking bilang ng runners inaasahang lalahok sa Condura Skyway Marathon
MANILA, Philippines - Tinatarget ng organizers ng Condura Skyway Marathon ang hindi bababa sa 2,500 runners ang sasali sa 42.195-k marathon na gagawin sa Pebrero, 2013.
Ipinagmalaki ni Ton Concepcion, ang chief organizer ng natatanging marathon na dumadaan sa Skyway, na umabot na sa 1000 runners ang nagpatala na tatlong araw lamang matapos buksan ang pagtanggap ng entries sa patakbo.
“A total of 1000 runners have registered after only three days of registration. We expect 2500 full marathoners overall to compete and around 13,000 runners overall,” wika ni Concepcion nang bumisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Ito na ang ikaanim na edisyon ng patakbo na ang layunin ay makapagtanim ng mangroves sa Zamboanga de Sibugay bilang bahagi ng reforestation na ginagawa ng Philippine Tropical Forest Conservation Foundation na kinatawan sa pagpupulong ni An Rubenecia.
Si Neville Manaois ang race director habang si Baby Lorenzo na kinatawan ng Asics ang kumumpleto sa mga bisita.
Bukod sa full marathon, idaraos din ang 21k, 10k, 6k at 3.8k distance.
Tumutulong para matiyak ang tagumpay ng patakbo ang Century Tuna, 100 Plus, Coors Light, Dole, Magnolia Fresh Chicken, Monterey, Selecta, Magnolia Brown Eggs, Clear, LBC, Soleus, Rexona, Pond’s Master and Crimson, Acacia, Bellevue, AsiaTraval.com, The Philippine Star, Men’s Health Magazine, Runner’s World, UNO Magazine, Women’s Health at Solar Sports.
- Latest