^

PSN Palaro

German boxer ‘di nakaporma kay Suarez sa WSB slugfest

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakitaan agad ng ba­ngis si national boxing team member Charly Suarez nang manalo siya sa kanyang laban upang tulungan ang Dolce & Babbana Italia Thunder na manalo sa German Eagles, 3-2, sa pagbubukas ng  2012-20­13 Season of the World Series of Boxing (WSB) sa Mediolanum Forum Assago sa Milan, Italy.

Ang laro ay ginawa no­ong Sabado at si Sua­rez ang ikalawang boksi­ngero na lumaban para sa Italia Thunder na siyang nagkampeon sa unang edisyon ng WSB noong nakaraang taon.

Hinarap ng 24-anyos SEA Games gold medalist ng Palembang na si Sua­rez si Robert Harutyunyan at bagamat mas malaki ang kalaban ay hindi umubra ito dahil sa ipinakitang bilis at lakas ng suntok.

Pumutok pa ang ka-nang kilay ng 22-anyos na si Harutyunyan matapos tamaan ng left hook upang makuha ni Suarez ang split decision panalo sa lightweight division.

Bukod kay Suarez, na-nalo rin sina team captain Clemente Russo at 2012 Olympics bronze medallist Vincenzo Mangiacapre para makuha ng nagdedepensang kampeon ang unang panalo.

Si Suarez ay nasa ikalawang taon ng paglalaro sa WSB pero baguhan siya sa Thunder.  Dati siyang nag­la­laro sa Mumbai Fighter ng India pero nagdesis­yon ang pamunuan ng ko­ponan na magpahinga sa season na ito.

Pinahintulutan ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na makalaro uli si Suarez sa WSB dahil malaki ang maitutulong nito para mas mapaghusay nito ang kanyang kaalaman sa pagbo-bo­xing.

Tampok na torneo na pinaghahandaan ng ABAP ay ang SEA Games sa Myan­mar para sa 2013.

Ang WSB ay may basbas ng AIBA (international boxing federation) kaya’t maaaring bumalik si Sua­rez sa Pilipinas kung kaka­ilanganin ang kanyang ser­bisyo ng Pambansang koponan.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BABBANA ITALIA THUNDER

CHARLY SUAREZ

CLEMENTE RUSSO

GERMAN EAGLES

ITALIA THUNDER

MEDIOLANUM FORUM ASSAGO

SHY

SUA

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with