^

PSN Palaro

Lady Altas, Stags nakauna

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay ng mainit na pahayag ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan na Perpetual Help sa mga kalaban na dadaan sila sa butas ng karayom kung nais nilang agawin ang hawak na titulo sa NCAA volleyball.

Pormal na nagbukas ang aksyon sa 88th NCAA indoor volleyball kahapon sa The Arena sa  San Juan City at si Honey Royse Tubino ay mayroong 13 hits, kasama ang tatlong blocks, habang 10 kills tungo sa 12 puntos ang ginawa ni Sandra Delos Santos tungo sa madaling 25-3, 25-14, 25-4, panalo sa Mapua.

Tumagal lamang ang laban sa loob ng 41 minuto at napadali ang aksyon dahil hirap na hirap sa pagpuntos ang Lady Cardinals.

Tatlong opisyal na puntos lamang ang kinamada ng Mapua na nakuha nina Joyce Javier, Alissa Magallanes at Patricia Aquino habang ang nalalabing 18 puntos ay dahil sa unforced errors ng Perpetual.

Hindi naman nagpahuli ang multi-titled team na San Sebastian Lady Stags na naunang umukit ng 27-25, 25-19, 25-19, tagumpay sa San Beda para makasalo sa liderato kasama ang Lady Altas.

Si Gretchel Soltones ay mayroong 14 kills para pangunahan ang Lady Stags na balak na makabalik sa kampeonato.

Nauna rito, uma­ni ng 25-11, 25-23, 25-19, tagumpay ang Lions sa Stags na kanilang pambawi matapos ang 25-15, 25-19, 25-23, panalo ng Staglets sa Red Cubs.

ALISSA MAGALLANES

HONEY ROYSE TUBINO

JOYCE JAVIER

LADY ALTAS

LADY CARDINALS

LADY STAGS

MAPUA

PATRICIA AQUINO

PERPETUAL HELP

RED CUBS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with