Wizards tumiklop sa Pacers

WASHINGTON--Ipina­lasap ng Indiana Pacers ang pang siyam na sunod na kamalasan ng Washington Wizards matapos kunin ang 96-89 panalo.

Humugot si David West ng 13 sa kanyang season-best 30 points sa fourth quarter para sa panalo ng Pacers, habang humakot si center Roy Hibbert ng 20 points at 12 rebounds.

Muli namang naglaro ang Wizards na wala ang may injury na sina point guard John Wall, ang No. 1 overall pick sa 2010 NBA draft, at starting center Nene.

Ang Washington lamang ang tanging kopo­nan sa NBA na walang panalo matapos makatikim ng 0-8 record sa nakaraang season.

Binanderahan ni rookie Bradley Beal ang Wizards mula sa kanyang 18 points, ang 17 ay kanyang iniskor sa second half, kasunod ang 11 ni Jordan Crawford.

Pinalakpakan ng 14,426 manonood ang Wizards sa pagtatapos ng third period nang makabangon buhat sa isang 20-point deficit para makalapit sa 67- 71 agwat mula sa jumper ni Shaun Li­vingston.

Sa likod ni Chris Sing­leton, nakadikit ang Wa­shington sa 85-86 kasunod ang jumper ni West na muling naglayo sa Indiana sa 88-85.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Atlanta sa Orlando, 81-72; Golden State sa Dallas sa overtime, 105-101 at Utah sa Houston, 102-91.

 

Show comments