^

PSN Palaro

Viloria handa nang pag-isahin ang titulo laban kay Marquez

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanap ngayon ni Brian “Hawaiian Punch” Viloria na makapagtala ng magandang panalo upang makuha ang respetong hindi pa niya nakakamit sa larangan ng professional boxing.

May 31 panalo sa 36 laban, kasama ang 18KOs, si Viloria ay papasok sa bakbakan mula sa limang matitinding panalo matapos lumasap ng nakaka­dismayang 12th round TKO pagkatalo kay Carlos Tamara noong Enero 23, 2010 na ginawa sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kasama sa kanyang tinalo ay ang dating nasa pound for pound list na si Giovani Segura ng Mexico na pinatulog ni Viloria sa 8th round para kunin ang WBO title.

Ngunit siya mismo ay aminadong hindi pa ga­anong napapansin base na rin sa katotohanan na ang kanyang mga laban ay hindi naipapalabas sa malalaking network tulad ng HBO.

“It’s frustrating, but you can’t really do anything. All I can do is put on a great fight and later on down the line; HBO and Showtime won’t ignore me,” wika niViloria sa panayam ng Ringtv.

Tiwala naman siyang magbabago ito kung manaig ang 31-anyos na si Viloria laban kay Mexican champion Hernan “Tyson” Marquez sa unification fight sa pagitan ng WBO at WBA flyweight titles na ngayon sa Sports Arena sa Los Angeles, California.

Ang 24-anyos na si Marquez ay hari sa WBA mula pa noong 2011 nang talunin si Luis Concepcion ng Panama City.

Tatlong Filipino boxers --sina Edrin Dapudong, Richie Mepranum at Fernando Lumacad ang mga tinalo rin ni Marquez sa mga title defense para ka­tampukan ang kanyang 34 panalo sa 36 laban at may 25 KOs.

Ikinondisyon ni Marquez ang kanyang sarili sa pinakamagandang pamamaraan upang talunin si Viloria na tinatawag din bilang isang Mexican exe­cutioner dahil sa dami ng Mexicanong tinalo sa ring.

“I recognize Viloria’s qualify as a fighter. He is a great champion and it won’t be an easy fight. But I will win this fight,” pahayag ni Marquez.

Walang naging problema sa  weigh-in kahapon sa Baltimore Hotel, sa LA at si Viloria ay tumimbang sa 111.8 pounds habang nasa 110.8 pound si Marquez.

Agad na ibinalik ng da­lawa ang kanilang lakas matapos ang weigh-in at sa araw na ito ay itotodo ang mga suntok na pakakawalan para makita kung sino sa kanila ang karapat-dapat na tingalain sa dibisyon.

 

ALL I

BALTIMORE HOTEL

BUT I

CARLOS TAMARA

CUNETA ASTRODOME

EDRIN DAPUDONG

FERNANDO LUMACAD

GIOVANI SEGURA

MARQUEZ

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with