Lualhati kinuha ang liderato sa PBC-POC-PSC Open bowling championships
MANILA, Philippines - Inagaw ng bagitong si Jhoana Lualhati ng TBAM-Prima ang pangunguna sa 41st PBC-POC-PSC Open bowling championships nang magtala ng 1142 sa ladies’ Associate Masters eliminations sa SM lanes sa Mall of Asia sa Pasay City.
Nagpagulong si Lualhati, tumapos na pang lima sa katatapos na Youth Masters finals, ng isang three-game series na 585 at 557 sa singles para iwanan ang kakamping si Bea Hernandez at si Pure Anselmo ng TBAM na naglista ng 1126 at 1125, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang bowlers na pumasok sa Top 10 ay sina Carmen Talosig (1092) ng TBAM, Nida Lagrisola (1090) ng BALP, Jingle dela Rosa (1085) ng TBAM-Prima, Jane Diaz (1079) ng PTBA, Alice Cabazor (1050) ng MBA-CRAM, Farah Onasa (1050) ng MCTBA at Joji Cabacungan (1048) ng PTBA.
Namuno si Bong Coo ng MBA sa ‘reserve list’ sa kanyang 1046 kasunod si Lina Labaguis (1041).
Nagtala si Paulo Valdez ng TBAM ng1332 para pumangatlo sa Open.
- Latest