Nationals wagi sa Thailand sa Baseball Classic
MANILA, Philippines - Nakauna ang National baseball team sa World Baseball Classic qualifier 4 nang kunin ang 8-2 panalo laban sa Thailand kahapon sa Xinzhuang Stadium sa New Taipei City, Taiwan.
Mahusay na pitching at hitting bukod sa matibay na depensa ang nasilayan sa pinalakas na Nationals para mapalakas ang tsansang makapasok sa finals sa apat na araw na torneo.
Ang panalo ay nagbigay sa Pilipinas ng dalawang pagkakataon na makaabante sa one-game finals na magsisimula ngayon laban sa mananalo sa host Chinese-Taipei at New Zealand.
Double elimination ang format ng liga at kung matalo ang Nationals ay magkakaroon pa ng isang tsansa kung mapapangunahan ang loser’s side.
Si Jon-Jon Robles ang pinagsimula sa mound at ang kaliweteng pitcher na naglaro para sa Czech Republic ay nagbigay lamang ng limang hits, isang run at may apat na strikeouts sa 4 1/3 innings.
Siya ang lumabas bilang winning pitcher.
- Latest