Laban niya kay Marquez isasaere ng GMA 7, Viloria may mga bagong techniques na ipapakita
MANILA, Philippines - Inaasahan nang magiging matindi ang upakan nina WBO flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at WBA flyweight titlist Hernan ‘Tyson’ Marquez ng Mexico sa Linggo.
Mapapanood ang inaabangang labang ito na pinamagatang ‘Champion vs. Champion: Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria vs. Hernan ‘Tyson’ Marquez’ via satellite sa GMA 7 sa ganap na alas-3 ng hapon (pagkatapos ng Party Pilipinas) mula sa LA Sports Arena sa California.
Si Robert Garcia ng Mexico ang tumatayong chief trainer ni Marquez na siyang dating nasa corner ni Viloria noong 2010.
Ayon kay Viloria, hindi niya ito nakikita bilang isang hamon taliwas sa maaaring iniisip ng kabilang kampo.
“I am not worried in the least. It has been two years since I’ve been with Garcia and I have changed my style and strategies considerably,” ani Viloria. “They (Team Garcia) think they know me but they are wrong.”
Sinabi pa ng 31-anyos na Fil-American na marami na siyang natutunan at nabuong mga bagong techniques na handa niyang ipakita sa ibabaw ng boxing ring kontra kay Marquez.
Si Viloria ay ginagabayan ni Freddie Roach.
“My winning streak against Mexican fighters will continue and the Mexican style fits well within my style,” sabi ni Viloria na tinaguriang ‘The Mexecutioner’ matapos talunin sina Julio Cesar Miranda, Giovani Segura, at Omar Niño Romero.
- Latest