^

PSN Palaro

Big Chill pahihigpitin pa ang kapit sa unahan vs Big Chill

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Manatiling nasa una­han ang hanap ng Big Chill habang ikatlong sunod na panalo ang pakay ng Erase Xfoliant sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Galing sa dalawang su­nod na panalo laban sa Jose Rizal University at Blackwater Sports, masusukat ang angking husay ng Super Chargers sa Cebuana Lhuillier na magsisimula matapos nag tagisan ng Erasers at Café France.

May two-game winning streak din ang tropa ni coach Aric del Rosario upang maisantabi na ang 30-puntos na pagkatalo sa NLEX sa unang laro.

Kung talunin nila ang Bakers, makakasalo sila ng pahingang Cagayan Valley sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

“Happy ako kung hindi kami matatanggal ng ma­aga kaya kailangang manalo nang manalo,” wika ni Del Rosario.

May 1-1 baraha ang Bakers at tangka nilang bumangon mula sa 70-85 pagkakadurog sa Suns.

Inaasahang dikitan ang tagisan sa Gems at Super Chargers na siyang nagsukatan sa semifinals sa Foundation Cup at nagwagi ang tropa ni coach Robert Sison para angkinin ang karapatang labanan ang NLEX sa finals.

Galing din ang Gems sa masakit na 90-91 pagkatalo sa Fruitas at ito ang dagdag inspirasyon para makuha ang panalong ito.

“Expected kong mahirap na laban ito pero handa kami,” wika ni Sison na sasandal sa tikas nina Terrence Romeo, Arvie Bringas at Ryan Buenafe.

ARVIE BRINGAS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

DEL ROSARIO

ERASE XFOLIANT

FOUNDATION CUP

SUPER CHARGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with